That famous..."What kind of government is this?!!!" Naku di po ako ang nagsabi niyan, I just quoted one senator who was then foaming while in session di ba? Oo nga naman...bakit tila nagsasayaw sila sa halo halong musika?
Now,Lacson in the hiding or just taking time to smell the roses together with his dearest wife at nagkataon lang na may warrant nga ba siya. Am not sure kas the past few days ay Plants vs Zombies na ang pinagkaabalahan ko, why not...di pa ako stress. On the news now as headlines having Cezar Mancao II and Glenn Dumlao's testimonies pinning down their former boss of the defunct PAOTF. Their words against Lacson. Now where does this trip put Lacson's integrity as a duly elected senator? Would it indict him more? Ano kayang masasabi ni Thirdie dito if ever na the boy knows how to read na? Poor little boy, maka-lolo pa naman ata. Well an accusation will just remain as it is sans the benefit of the court's decision, so kailangan talaga ng trial to prove your evidences na you're not guilty of anything or else you will remain a fugitive with all those cases hurled against you. Kaso may mga pagkakataon naman siguro na you'll fear for your life and of those your loved ones di ba? Look what happened in Maguindanao where vendetta-like killing has surmounted in just one click...parang pumatay lang ng langaw. And what ever happen to the amassed arsenal? Have they proven it to be under the care of the Ampatuan's? Now yung kay Villar mainit pa rin, the C5 scam...about the road right of way. Speaking of local government's obligation to pay for road right of way na mga tinamaan due to road widening...but in our case wala po siyang road...nilagyan lang to be an easy access for road users. Ang aming pong hindi naman kalakihan compared sa lote ni Villar na ubod ng laki, ay hindi pa po kami nakaka-receieved ng compensation para dito samantalang matagal tagal ng pinakikinabangan ito ng maraming mamamayan sa Taytay o kahit nino man. Still nasa akin pa po ang titulo ng private alley na nasa pangalan naming magkakapatid. I remember na nagbabayad ako ng buwis ay hindi muna ako pinagbabayad dahil aayusin daw yung usapan hinggil dito. Ilang taon na kaming punta ng punta sa municipal hall ng Taytay hanggang nalipat na nga ito sa Manila East Club. Ayun...nagsawa ako sa kaka-follow up. Wala kang makuhang magandang feedback. Samantalang nauna kaming maghain ng appeal kasabay namin ang Taytay United Methodist Church sa opisina ng aming konsehal na si Atoy Valle upang humingi ng tulong. Nothing is doing. Puro follow up lang. Nakakapagod. Habang ang aming lupa ay patuloy na pinakikinabangan ng maraming tao. Someone in the hall told me na ewan kung in jest, "i-donate nyo na lang kaya" ...in my mind...ano ka hilo? I quipped, hindi po kami mayaman para magdonate...matagal din naman namin yan pinagbayad ng buwis, basta na lang nila sinemento at ginamit...sighhhhh. I don't know if what my friend in the hall who whispered to me then na may budget na daw noon pang pumupunta ako don...ma at pa kung san yun napunta. Wheeew!
Hawak ko nga title wala namang palang saysay. Naku napalayo ang aking subject, tila naging personal na ako...my bad. Nabanggit ko lang dahil sa road right of way...nasabi pang private alley. Well...di bale sana kung maipangalan man lang ito sa namayapa naming magulang. Pwede itong maging Naval-Aquino Road...why not, am proud of my folks. Or my lola...Donya Rufina Naval-Aquino...lawl...tunog mayaman, ewan ko yan kasi nakita ko in the wake when I was still in my teens. Sana naman mabigyan ng kahit konting malasakit ng gobyerno ng Taytay ang aming lolo at lola kung saan namin ito namana. My poor old folks...their mites of freedom was just ignored til their last...[no offense meant here, freedom of expression lang po].
Kumusta naman kaya ang result ng ZTE scandal?
Hay naku napakaraming issue. Kaya ako eh pasumandaling nahahaling sa paglalaro ng Plants vs Zombies eh. Stress buster nga sabe ni Harry. Truly enjoyable...and nasa 4-7 level na ako. Will play after this post... cheers! Kaya ayoko ng politics eh...magulo pa sila sa zombies na kalaban ko. Tara...[say ni Gibo]... :)