Thursday, February 10, 2011

What a way to end a life!



What a way to die...

Nagulat ako ng mabasa ko ang balita na ngdudumilat at nakakalungkot, na nagbaril ng sarili ang isa sa pinaka-decorated nating sundalo na naging AFP Chief of Staff sa kapanahunang ng dating Presidente Estrada..at naging dahilan sa pagkakaluklok ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo sa pagkapresidente ng bumaba siya sa pagka AFP Chief of Staff at naging National Defense Secretary sa panahon ni GMA. Hindi ko po maikokondena ang ginawa ng dati nating heneral, pero sana naisip niya ang magiging kalagayan ng kanilang mga anak at kanyang asawa. Dama ng lahat ang kanilang labis na kalungkutan sa mga oras ng pangyayaring ito. Sana lang nilakasan niya ang kanyang loob sa pagharap ng mga akusasyong ihinain sa kanilang mga heneral na sangkot sa nawawalang pondo ng AFP. Matapang at mapusok ang kanyang ginawa na labag sa ating simbahan kung pagpapakamatay ang pag-uusapan...pero isa itong pagtanggap ng pagkatalo kung paninindigan ang gusto mong patunayan. Paninindigan sa kung ano ang alam mong totoo. Nakakaawa ang kalagayan ng kaniyang iniwan dahil wala na siya upang patunayan ang kung ano man ang katotohan. Maaring sa sobrang depresyon ay iyon ang naisipan niyang kasagutan sa lahat, pero isang nakakahilakbot na desisyon ang kanyang ginawa.

Tuloy pa rin ang paghahanap ng katotohanan sa panig ng committee na nakalaan upang matugunan ang paghahanap ng nawalang pondo sa kabila ng pangyayari. Maaring umani sila ng negatibong komento at pasaring hinggil sa pagpapamakatay ng dating secretary pero kailangan lalo nilang busisiin ito. Kung ano ang totoo sana iyon ang tuklasin nila, maaring sangkot nga siya o maari din namang wala talaga siyang kinalaman sa salaping nawawala. Sana maging aral ito sa lahat at wag din sanang pamarisan ang ginawang pagpapakamatay ano pa man ang maging rason ay di ito tama sa mata man ng tao o ng ating maykapal.

Sa mga naiwang kaanak ng nasawing heneral...kami po ay lubos na nakikisimpatiya sa pangyayaring ito.  May his soul rest in peace!