True Color
Sa mundong ating ginagalawan, lahat ng bagay dito ay may kanya-kanyang kulay, tao man o bagay. Nagkakaiba lang tayong mga tao sa ating mga pananaw sa buhay...pag-uugali at kung paano tayo makisalamuha sa ating nakakasalubong, nakikilala o sa ating mga itinuturing mahal sa buhay. Gaya ng kulay sa mundong ito...hindi lahat ay maganda at kaaya-aya sa ating paningin...
Tuesday, September 16, 2014
Monday, May 7, 2012
Amin ito...xiexie !
The bone of contention... |
BOLA AY BILOG KAYA WAG KAYONG PATULOG TULOG!!!
Ayan na nga, yan ang napala natin sa puro na lang imbestigasyon sa mga "kurakot issue" ng ating pamahalaan...malaking kahihiyan ito at pangamba sa pagtutunggali sa kung sino may ari. Hindi malayong magkainitan at mauwi sa gyera na wag naman po sana. Magpaliwanag kayo sa barangay bakit nasakop ng Intsik ito? Kung nakabantay kayo, mangyayare ba ito.
Sorry to say ... or ask... SMART ba kayo o ano ang tawag dyan?
Kahit naman batang paslit malalaman kung sino higit na me karapatan kung batayan ang kung kanino malapit ang SS na ito. Atin nga...eh bakit may umaangkin? Antayin pa ba n'yong ang Pinas naman ang angkinin nila.
Maging alisto naman kayo!
Ano ba yan?!
“It is no big deal,” Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Jose Angel Honrado said, adding that the MIAA did not pursue a follow-up investigation and will just “let the court decide because we’re not competent enough to determine who threw the first punch.”
>>>di ko maiwasang di patulan itong issue na ito...
bongga din kc birada ni GM. Alam kaya niya na "they are of service to the people?" Paano kung may murder at dun nangyare? yan lang kaya nilang irason, korte na bahala? Naalala ko tuloy yung the great "tarmac" incident. Di ba sila pdng magrequest ng additional CCTV, na after that fistfight...ay napagalaman ang kakulangan nila? At nakakatawa mga uniformed police ba yun? Daig pa sila ni Claudine sa suntukan at atake. Kung may aatake pala sken sa airport wala akong aasahan sa mga ito...eh si Tulfo nga eh nabugbog kame pang ordinaryong tao...
Ano ba mas mahal at mas importante...CCTV or MALINOIS? Palagay ko parehong malaki maitutulong respectively.
LOL, kahiya kayo...buti pa sa aming bayan ng TAYTAY...nung mgkafreak accident sa Tikling...may nailabas agad na recorded clips kung paano ngyare sa wayward van that fateful day...that took lives of innocent victims.
Teka...ano ba talaga...MIAA or NAIA? Magaling lang sa papalit -palit ng pangalan eh...nakakalito na tuloy. I prefer it to be called THE MANILA INTERNATIONAL AIRPORT...ung dati niyang pangalan.
Wednesday, February 29, 2012
Go ahead!
Sunday, February 26, 2012
To Love Somebody...
One of the most famous Gibb's compositions (Barry and Robin of the great BeeGees) that was covered by a lot of our artists. Sumikat ito taong 1967, wow siyam na taong gulang pa lang ako noon. Wala lang po, gusto ko lang gamitin sa reposts na ito ngayon tungkol sa equally famous na relasyon ni Bb. Grace Ibuna (na dating naging karelasyon ni Gabby Concepcion) na ngayon ay naging laman ng ating pahayagan dulot sa kasong kinasasagakutan nila ni Iggy Arroyo (RIP).
Basahin na lamang ang mga sumusunod na links:
Aleli Arroyo, Grace Ibuna reach 'settlement' on Iggy's burial
Iggy Arroyo gives all his estate’s income to Grace Ibuna – court records
Links from: GMA News
Labels:
Grace Ibuna,
Iggy Arroyo,
To Love Somebody
Friday, February 24, 2012
Nakakasawa na!
Opo, yan ang aming nararamdaman sa aming gobyerno. Puro na lang paguusig sa mga dating namuno sanhi ng pangungurakot, etc...etc...na wala namang mangyari kalaunan. Di kaya sila nahihiya sa mga nghalal sa kanila upang maluklok sa kanilang sinumpaang responsibilidad sa bayan?
NAKAKASAWA NA PO!
NAKAKASAWA NA PO!
Thursday, February 10, 2011
What a way to end a life!
What a way to die...
Nagulat ako ng mabasa ko ang balita na ngdudumilat at nakakalungkot, na nagbaril ng sarili ang isa sa pinaka-decorated nating sundalo na naging AFP Chief of Staff sa kapanahunang ng dating Presidente Estrada..at naging dahilan sa pagkakaluklok ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo sa pagkapresidente ng bumaba siya sa pagka AFP Chief of Staff at naging National Defense Secretary sa panahon ni GMA. Hindi ko po maikokondena ang ginawa ng dati nating heneral, pero sana naisip niya ang magiging kalagayan ng kanilang mga anak at kanyang asawa. Dama ng lahat ang kanilang labis na kalungkutan sa mga oras ng pangyayaring ito. Sana lang nilakasan niya ang kanyang loob sa pagharap ng mga akusasyong ihinain sa kanilang mga heneral na sangkot sa nawawalang pondo ng AFP. Matapang at mapusok ang kanyang ginawa na labag sa ating simbahan kung pagpapakamatay ang pag-uusapan...pero isa itong pagtanggap ng pagkatalo kung paninindigan ang gusto mong patunayan. Paninindigan sa kung ano ang alam mong totoo. Nakakaawa ang kalagayan ng kaniyang iniwan dahil wala na siya upang patunayan ang kung ano man ang katotohan. Maaring sa sobrang depresyon ay iyon ang naisipan niyang kasagutan sa lahat, pero isang nakakahilakbot na desisyon ang kanyang ginawa.
Tuloy pa rin ang paghahanap ng katotohanan sa panig ng committee na nakalaan upang matugunan ang paghahanap ng nawalang pondo sa kabila ng pangyayari. Maaring umani sila ng negatibong komento at pasaring hinggil sa pagpapamakatay ng dating secretary pero kailangan lalo nilang busisiin ito. Kung ano ang totoo sana iyon ang tuklasin nila, maaring sangkot nga siya o maari din namang wala talaga siyang kinalaman sa salaping nawawala. Sana maging aral ito sa lahat at wag din sanang pamarisan ang ginawang pagpapakamatay ano pa man ang maging rason ay di ito tama sa mata man ng tao o ng ating maykapal.
Sa mga naiwang kaanak ng nasawing heneral...kami po ay lubos na nakikisimpatiya sa pangyayaring ito. May his soul rest in peace!
Subscribe to:
Posts (Atom)