Saturday, July 10, 2010

Batas sa kalsada...busisiing mabuti


Yey,wala ng wang wang...wala ng mala-VIP sa kalsada. Well kung isa kang commuter o driver ng sarili mong sasakyan, athabang masikip angtrapiko at may maririnig kang wang wang sa likuran mo eh maiinis ka rin db? Bakit tilasila napakaimportante at kailangan na paunahin natin sa kalsada. Pwera na lang sana kung emergency gaya ng ambulansya...okey lang sana. Kaya hats off ako sa unang salbo ni P-noy na tanggalin ang mga wang wang na yan. La namang silbi yan talaga sa kalsada eh...nakaka-distractlang talaga siya at pangyabang lang karaniwan sa kapwa. Kainis lang. Ultimo traysikel eh me wang wang...na tila ka pa nenerbyusin at kung ano na yun...kaya pabor ako dyan, na ipagbawal ag wang wang na yan! Maigi langsana kung presidente ang gagamit niyan okey pa.
Siguro dapat ding i-imlement ang malaking multa kapag nahuling driving without DL, o kaya DUIL [Driving Under the Influence of Liquor], o yung nakainom eh nagdadrive pa. At mas lalo kung naka-drugs. Naku yan ang tutukan...sanhi ng mga aksidente yan.

Sunday, April 11, 2010

Puro na naman pangako...

Ano bang meron sa pulitika at napakaraming gustong tumakbo? Simple lang, the power...and that means easy access sa negosyo, pera, and almost everything you could ever wish for. E di ba magkano lang ang income ng presidente? Sana naman eh meron pa ring naghahangad ng mabuting governance upang makatulong isulong ang magagandang batas para sa nakakarami, at unahing mapaunlad ang bansa, at maiahon ang mga kababayang lugmok sa hirap. At hindi yung pangsariling hangad lang ang hawak. Sa una lahat ipapangako, pero mas lamang ang mapako. Puro scam at lahat naman ng investigation eh still hanging. Yan ay dahil sa mga padre-padrino.

May the bests who deserve ...win!

Thursday, February 4, 2010

Cocktail of criticism...

That famous..."What kind of government is this?!!!" Naku di po ako ang nagsabi niyan, I just quoted one senator who was then foaming while in session di ba? Oo nga naman...bakit tila nagsasayaw sila sa halo halong musika?

Now,Lacson
in the hiding or just taking time to smell the roses together with his dearest wife at nagkataon lang na may warrant nga ba siya. Am not sure kas the past few days ay Plants vs Zombies na ang pinagkaabalahan ko, why not...di pa ako stress. On the news now as headlines having Cezar Mancao II and Glenn Dumlao's testimonies pinning down their former boss of the defunct PAOTF. Their words against Lacson. Now where does this trip put Lacson's integrity as a duly elected senator? Would it indict him more? Ano kayang masasabi ni Thirdie dito if ever na the boy knows how to read na? Poor little boy, maka-lolo pa naman ata. Well an accusation will just remain as it is sans the benefit of the court's decision, so kailangan talaga ng trial to prove your evidences na you're not guilty of anything or else you will remain a fugitive with all those cases hurled against you. Kaso may mga pagkakataon naman siguro na you'll fear for your life and of those your loved ones di ba? Look what happened in Maguindanao where vendetta-like killing has surmounted in just one click...parang pumatay lang ng langaw. And what ever happen to the amassed arsenal? Have they proven it to be under the care of the Ampatuan's? Now yung kay Villar mainit pa rin, the C5 scam...about the road right of way. Speaking of local government's obligation to pay for road right of way na mga tinamaan due to road widening...but in our case wala po siyang road...nilagyan lang to be an easy access for road users. Ang aming pong hindi naman kalakihan compared sa lote ni Villar na ubod ng laki, ay hindi pa po kami nakaka-receieved ng compensation para dito samantalang matagal tagal ng pinakikinabangan ito ng maraming mamamayan sa Taytay o kahit nino man. Still nasa akin pa po ang titulo ng private alley na nasa pangalan naming magkakapatid. I remember na nagbabayad ako ng buwis ay hindi muna ako pinagbabayad dahil aayusin daw yung usapan hinggil dito. Ilang taon na kaming punta ng punta sa municipal hall ng Taytay hanggang nalipat na nga ito sa Manila East Club. Ayun...nagsawa ako sa kaka-follow up. Wala kang makuhang magandang feedback. Samantalang nauna kaming maghain ng appeal kasabay namin ang Taytay United Methodist Church sa opisina ng aming konsehal na si Atoy Valle upang humingi ng tulong. Nothing is doing. Puro follow up lang. Nakakapagod. Habang ang aming lupa ay patuloy na pinakikinabangan ng maraming tao. Someone in the hall told me na ewan kung in jest, "i-donate nyo na lang kaya" ...in my mind...ano ka hilo? I quipped, hindi po kami mayaman para magdonate...matagal din naman namin yan pinagbayad ng buwis, basta na lang nila sinemento at ginamit...sighhhhh. I don't know if what my friend in the hall who whispered to me then na may budget na daw noon pang pumupunta ako don...ma at pa kung san yun napunta. Wheeew!
Hawak ko nga title wala namang palang saysay. Naku napalayo ang aking subject, tila naging personal na ako...my bad. Nabanggit ko lang dahil sa road right of way...nasabi pang private alley. Well...di bale sana kung maipangalan man lang ito sa namayapa naming magulang. Pwede itong maging Naval-Aquino Road...why not, am proud of my folks. Or my lola...Donya Rufina Naval-Aquino...lawl...tunog mayaman, ewan ko yan kasi nakita ko in the wake when I was still in my teens. Sana naman mabigyan ng kahit konting malasakit ng gobyerno ng Taytay ang aming lolo at lola kung saan namin ito namana. My poor old folks...their mites of freedom was just ignored til their last...[no offense meant here, freedom of expression lang po].
Kumusta naman kaya ang result ng ZTE scandal?
Hay naku napakaraming issue. Kaya ako eh pasumandaling nahahaling sa paglalaro ng Plants vs Zombies eh. Stress buster nga sabe ni Harry. Truly enjoyable...and nasa 4-7 level na ako. Will play after this post... cheers! Kaya ayoko ng politics eh...magulo pa sila sa zombies na kalaban ko. Tara...[say ni Gibo]... :)





Wednesday, January 20, 2010

Explain...explain...

While browsing the music of Jason Ivler, this thing just popped out in front of my eyes, so I click it curiously to know the truth of the matter. Everyone knows Mareng Winnie and of course Igan. Let's watch this...



The aftermath...

Mother's lament...

She became a lightning rod for criticisms after coddling her own son they say when Jason Ivler was finally caught after a shoot out with NBI men in their Blue Ridge home. The mother Marlene Aguilar once told the police that her son might have had fled in Hawaii already on the pretext that she had no knowledge to her son's whereabouts. Jason was found inside her house thus slapping her mom with an obstruction of justice case.

A mother will always be a mother so they say. Jason has to face the consequence of his actions no matter what the mother feels right now. Remember the other mother who have lost his son after Jason killed him in an altercation due to road rage.

Minsan ang pagpapakita ng sobrang pagmamahal sa anak ay nawawala yung essence ng pagtutok nito sa kaayusan ng bata paglaki. Dapat tayong mga magulang ay maging tunay na mapagmatyag sa kilos ng ating mga anak lalo pa't hindi natin ito nababantayan ng lubusan. Maaring naliligaw na pala ito ng landas or naiimpluwensyahan ng mga bagay na makakapagbigay sa kanya ng ibang kaisipan sa mga bagay bagay. Dasal at patnubay o gabay ang dapat nating ibigay sa kanila hindi lang materyal na bagal. Mas mainam kung balanse ang lahat upang maging mulat ang kanyang kaisipan kung paano ang takbo ng tunay na buhay at hindi ang mabuhay sa isang pantasya gaya ng napapanood natin sa mga pelikula. Mahirap ang maging isang ina...maganda man o pangit ang kalakihan ng bata, sa ina pa rin ang bagsak ng sisi lao't gaya ng kinasadlakan ngayon ng buhay ni Jason. Magpasalamat na lang si Marlene at buhay pa ang anak niya di gaya ng inang naiwan ni Ebarle Jr. na patuloy na binibiyak ang puso sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na anak. Maging bukas sana sa isip ni Marlene na nagkasala ang anak niya kaya dapat harapin nito ang kanyang pagkakamaling nagawa.


Always do remember that any unpleasant behavior we may have done, will always come back to bite us later.

Let the chips fall...

Galit na lumakad palayo si Ely Pamatong at kalaunay nagsalita ito ng "magnanakaw kayo!" sa Comelec Commissioners na naging kadahilanan upang siya'y arestuhin at ipakulong sumandali ng poll body sa sampung araw mula ngayon. Naging ugat nito nang bansagan siyang "nuisance candidate" at kanina'y habang dinidinig ng Comission on Election ang pagdisqualify sa mga ibang kandidato para sa top post ay nagalit ito at nagwalk out at nagpakawala ng matapang na "magnanakaw kayo!" Sa kasong direct contempt kaya inaresto siya at dinala sa Manila City Jail sa utos ni Commissioner Nicodemo Ferrer. Sampung araw na walang piyansa ang ipinataw sa kanya at agad din naman itong humingi ng paumanhin at nadala lang daw siya ng matinding emosyon kaya niya nasabi ang mga salitang yun. Hay naku...matindi talaga di ba? Sino ang makakalimot sa kanyang matinding "spike attack" na nagpasingaw ng magy isang daang humigit na gulong sa Maynila noong taong 2004? And once gave Pres. Arroyo an ultimatum that he'd burn schools if she doesn't step down from her post. And some time against the Pope and the Catholic church for "disturbance of public order, swindling and teaching immoral doctrines."

Wheew! That's something hard to explain. What do we have if he'll be our next president?
Okey, next topic!!!