Isang malawakang pagtugis ang ginagawa ngayon sa isang Amerikanong suspect sa pagbaril at naging dahilan ng pagkamatay ng isang anak ni Usec Renato Ebarle. Naging negatibo rin ang paghahanap sa bahay ng kanyang tiyuhing si Freddie Aguilar at sa isang British national na si Steve Pollard.na kanyang step-father. Sinusuyod talaga ng PNP ang mga posibleng pagtaguan ni Jason Ivler dala ang CGI na nagmatch sa kanyang litrato ayon na rin sa mga pagbibigay salaysal ng mga witnesses. Sana sa isang may gamit ng diplomat plate maging makatwiran sila sa lahat ng bagay lalo na't sila ay nabibigyan ng karapatan o immunity sa ibang bagay. Wa nating itong abusuhin. Dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon.
Ayon sa pulisya ito ay naituring ng fugitive sa kadahilanang hindi siya umaattend ng hearing sa isa pang kinaugnayan nyang kaso noong 2004. Isa din itong banggan sa kalye nanaging dahilan ng pagkamatay ng kaisa isang anak na lalake ni P.A. for Resettlement Nestor Ponce Jr. Tumakas si Ivler patungong Malaysia. Si Pollard ay asawa ng nakakabatang kapatid ni Freddie Aguilar. Magkatulong na ang PNP at kagawaran ng NBI sa pagtugis kay Jason Ivler. Sa launching ng kanyang nobelang Warriors of Heaven na ginanap sa CCP, nagsalita ang ina ni Jason na "I say if you are guilty I beg you with all my heart to surrender and face this" "If you are guilty then I have accepted your death." Sa sang inang nasa ganitong pagsubok ay tila wala ng mas bibigat pa sa nakaambang haharapin nito sa ginawa niyang kasalanan...kung mapatunayang totoo nga itong lahat. Sapagka't may batas tayong lilitis kung ano ang tunay at totoo. Sana ang ating hustisya ay hindi mabahiran ng anumang kulay ng pulitika. I just hope...dahil kung magkagayon man, ano pa ang ating aasahan?
Hindi rin natin maipapasantabi ang kalungkutan ng pamilya Ebarle, lalo na ang nanay na talagang nag-palaki at nag-aruga sa kanya. Dalawang mukha ng ina ang may dalang lungkot sa pangyayaring ito. Isang ina ng namatay na anak at isang ina ng inuusig ng batas diumano.
No comments:
Post a Comment
Please be nice!