Thursday, December 17, 2009

Strong-willed


Masaya ito. Kasi tinaggap ng buong tapang ng QC-RTC Judge Jocelyn Solis-Reyes ang pagdinig ng kaso ng mga Ampatuan na tinanggihan ni Judge Luisito Cortez. "What is glory without a family!" Mas lalo din akong humanga sa kanyang firm decision at di niya kinatakutan ang maaring negative reaction against his part. Mabuhay ka Judge Cortez! Hindi naman po ito karuwagan na matatawag. Eh kanya kanya lang tayo ng palagay at paniniwala. Dahil kung ako rin yan eh mas malamang na tanggihan ko kahit pa malalagay ako sa kasaysayan ng Pilipinas. Never kong isipin na ilagay ang aking pamilya sa ano mang karahasan o peligro. Pero marami rin talaga ang humanga sa tindi ng katapangan ni Judge Reyes. At isa din ako don. Kaya mabuhay ka rin Judge Reyes. At mind you tumanggi siyang pansamantala sa ibinibigay sa kanyang proteksyon. Hindi pa raw naman napapanahon. Marami ang t'yak na tututok sa kasong ito na tinaguriang Crime of the Century. Sa mundong ito kahanga hanga ang mga taong gaya nila na naninindigan sa kanilang paniwala at kakayahan. Iba iba lang talaga ang ating set of priorities. Let's just pray na maging safe ang bawa't isang magkakaroon ng makabuluhang partisipasyon sa pagdinig ng kasong ito. Hats off ako sa dalawang ito.

Mabuhay kayo!

No comments:

Post a Comment

Please be nice!