Sunday, September 5, 2010

Paano na?

Helllo once again. Masyadong natengga ang  aking site na ito during kasagsagan na kinakaharap nating krisis. My hands are full ika nga. Di ko maisingit yung aking post  samantalang ang iba eh talagang inuumaga sa pgbblog ng hinggil sa mga isyung nagdaan. Gaya ng hostage drama na aking talagang tinutukan. Di na ako nakihati pa sa trending nito. Grabe. Intense drama na nagwakas sa di maganda. Di naging maganda ang pagtanggap ng bansang sangkot sa trahedya. May malalim silang dahilan. Ilang buhay ang naibuwis. Sana nnaiwasan ito kung naging maingat at d padalos dalos na desisyon. Sa dame ng nangelam at nagmarunong. Di ko alam bakit di sinangguni ang bihasa sa hostage deal at isang numero unong sharp shooter na si Judge Jaime Santiago. OO nakita ko kung paano niya nalutas ang (ayon din ito sa kanyang pagpapatotoo) anim  (6) sa 20 kasong hinawakan niya. Isa itong kwentong totoo at natunghayan ng marami. Ako mismo ay naabutan ko yun. Lalo yung isang alaking hostage ang isang batang walang muwang. Sa tanda ko ay napatay niya yung hostage taker, di lang malinaw sa alaala ko kung ito'y anak niya. Ginamit ni Judge Santiago ang isang butas ng pako upang matiyak at masigurong di masasaktan ang bata. Sapol ika nga ng salitang kalye. Tapos ang drama.
Bakit di rin naisangguni ito ke Senator Bong? Na syang tumulong makipag ayos sa isang nagmamay ari ng eskwelahang pangbata? Na  humostage sa isang bus ding ay lulan na mga batang paslit? Naayos yun at ngayon ay nakakalaya na ang naturang hostage taker.
Yung galit ng mga Hogkongers ay may katuturan. Sapagka't ang layunin ng kababayan nila ay mag enjoy at maging masaya upang tunghayan ang mga natatanging lugar sa ating bansa, hatid nito ang pagpasok ng dolyar gaya  bawa't sinumang turistang pumasok dito. Yung pala'y isang malagim na kikitil ng kanilang buhay. Ang pagkamatay nila ay ay isang kapabayaan at pagkukulang sa sektor ng gobyerno. Aminin man nila o hindi. Walang kasanayan. Kulang talaga. Ngayon lang sila ulit kikilos ngayong tayo'y sentro ng panghuhusga.
 Okey tapos na yan at marami ng naisulat. Eto na naman ang isang kapalpakan? Ang maling paglalagay ng pangalan sa mga patay na naiuwi na pabalik sa Hongkong. Talaga namang uusok ang  ilong ng sinumang makaranas niyan. Iyak ka ng iyak ehdi naman pala yun ang kanyang mahal sa buhay na nasawi? Wow mali di ba? Nakakahiya talaga. Yung katwiran sa pagkakamalingyun eh napakahirap sabihin sa mga Chinese na talagang diretsahan nagsasabi ng paghuhusga nila sa ating kapalpakan.

HERE'S MY TAKE...Nasaan ang pondong dapat nakalaan sa ating kapulisan? Paano makakapagsanay ang mga yan kung walang pondong itutustos sa kanila? Ang pangyayaring ito'y parang baptism of fire sa ating bagong pinuno. Sana'y maiba siya sa mga opisyal na pagpayaman lang ang inisip, hindi ang para sa ating bayan...at sa kapakanan ng nakakarami. Ngayon tilanapakalaki  tuloy katanungan kung paano maisasalba ang relasyon ng Pilipinas at ng bansang China? Wala sa aming taong bayan yan...kundi sa mga pinuno ng ating bansa. Kami'y simpleng nasa likod lang ng bawa't opisyal na aming pinagaksayahan ng aming boto.Kaya tama sabi ni P-NOY, AKO ANG BOSS NINYO! Kaya dapat sila sila gumawa ng paraan paano manunumbalik ang payapang relasyon natin sa mga luhaang Chino.

No comments:

Post a Comment

Please be nice!