Sa mundong ating ginagalawan, lahat ng bagay dito ay may kanya-kanyang kulay, tao man o bagay. Nagkakaiba lang tayong mga tao sa ating mga pananaw sa buhay...pag-uugali at kung paano tayo makisalamuha sa ating nakakasalubong, nakikilala o sa ating mga itinuturing mahal sa buhay. Gaya ng kulay sa mundong ito...hindi lahat ay maganda at kaaya-aya sa ating paningin...
Wednesday, February 29, 2012
Sunday, February 26, 2012
To Love Somebody...
One of the most famous Gibb's compositions (Barry and Robin of the great BeeGees) that was covered by a lot of our artists. Sumikat ito taong 1967, wow siyam na taong gulang pa lang ako noon. Wala lang po, gusto ko lang gamitin sa reposts na ito ngayon tungkol sa equally famous na relasyon ni Bb. Grace Ibuna (na dating naging karelasyon ni Gabby Concepcion) na ngayon ay naging laman ng ating pahayagan dulot sa kasong kinasasagakutan nila ni Iggy Arroyo (RIP).
Basahin na lamang ang mga sumusunod na links:
Aleli Arroyo, Grace Ibuna reach 'settlement' on Iggy's burial
Iggy Arroyo gives all his estate’s income to Grace Ibuna – court records
Links from: GMA News
Labels:
Grace Ibuna,
Iggy Arroyo,
To Love Somebody
Friday, February 24, 2012
Nakakasawa na!
Opo, yan ang aming nararamdaman sa aming gobyerno. Puro na lang paguusig sa mga dating namuno sanhi ng pangungurakot, etc...etc...na wala namang mangyari kalaunan. Di kaya sila nahihiya sa mga nghalal sa kanila upang maluklok sa kanilang sinumpaang responsibilidad sa bayan?
NAKAKASAWA NA PO!
NAKAKASAWA NA PO!
Thursday, February 10, 2011
What a way to end a life!
What a way to die...
Nagulat ako ng mabasa ko ang balita na ngdudumilat at nakakalungkot, na nagbaril ng sarili ang isa sa pinaka-decorated nating sundalo na naging AFP Chief of Staff sa kapanahunang ng dating Presidente Estrada..at naging dahilan sa pagkakaluklok ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo sa pagkapresidente ng bumaba siya sa pagka AFP Chief of Staff at naging National Defense Secretary sa panahon ni GMA. Hindi ko po maikokondena ang ginawa ng dati nating heneral, pero sana naisip niya ang magiging kalagayan ng kanilang mga anak at kanyang asawa. Dama ng lahat ang kanilang labis na kalungkutan sa mga oras ng pangyayaring ito. Sana lang nilakasan niya ang kanyang loob sa pagharap ng mga akusasyong ihinain sa kanilang mga heneral na sangkot sa nawawalang pondo ng AFP. Matapang at mapusok ang kanyang ginawa na labag sa ating simbahan kung pagpapakamatay ang pag-uusapan...pero isa itong pagtanggap ng pagkatalo kung paninindigan ang gusto mong patunayan. Paninindigan sa kung ano ang alam mong totoo. Nakakaawa ang kalagayan ng kaniyang iniwan dahil wala na siya upang patunayan ang kung ano man ang katotohan. Maaring sa sobrang depresyon ay iyon ang naisipan niyang kasagutan sa lahat, pero isang nakakahilakbot na desisyon ang kanyang ginawa.
Tuloy pa rin ang paghahanap ng katotohanan sa panig ng committee na nakalaan upang matugunan ang paghahanap ng nawalang pondo sa kabila ng pangyayari. Maaring umani sila ng negatibong komento at pasaring hinggil sa pagpapamakatay ng dating secretary pero kailangan lalo nilang busisiin ito. Kung ano ang totoo sana iyon ang tuklasin nila, maaring sangkot nga siya o maari din namang wala talaga siyang kinalaman sa salaping nawawala. Sana maging aral ito sa lahat at wag din sanang pamarisan ang ginawang pagpapakamatay ano pa man ang maging rason ay di ito tama sa mata man ng tao o ng ating maykapal.
Sa mga naiwang kaanak ng nasawing heneral...kami po ay lubos na nakikisimpatiya sa pangyayaring ito. May his soul rest in peace!
Sunday, September 5, 2010
Paano na?
Helllo once again. Masyadong natengga ang aking site na ito during kasagsagan na kinakaharap nating krisis. My hands are full ika nga. Di ko maisingit yung aking post samantalang ang iba eh talagang inuumaga sa pgbblog ng hinggil sa mga isyung nagdaan. Gaya ng hostage drama na aking talagang tinutukan. Di na ako nakihati pa sa trending nito. Grabe. Intense drama na nagwakas sa di maganda. Di naging maganda ang pagtanggap ng bansang sangkot sa trahedya. May malalim silang dahilan. Ilang buhay ang naibuwis. Sana nnaiwasan ito kung naging maingat at d padalos dalos na desisyon. Sa dame ng nangelam at nagmarunong. Di ko alam bakit di sinangguni ang bihasa sa hostage deal at isang numero unong sharp shooter na si Judge Jaime Santiago. OO nakita ko kung paano niya nalutas ang (ayon din ito sa kanyang pagpapatotoo) anim (6) sa 20 kasong hinawakan niya. Isa itong kwentong totoo at natunghayan ng marami. Ako mismo ay naabutan ko yun. Lalo yung isang alaking hostage ang isang batang walang muwang. Sa tanda ko ay napatay niya yung hostage taker, di lang malinaw sa alaala ko kung ito'y anak niya. Ginamit ni Judge Santiago ang isang butas ng pako upang matiyak at masigurong di masasaktan ang bata. Sapol ika nga ng salitang kalye. Tapos ang drama.
Bakit di rin naisangguni ito ke Senator Bong? Na syang tumulong makipag ayos sa isang nagmamay ari ng eskwelahang pangbata? Na humostage sa isang bus ding ay lulan na mga batang paslit? Naayos yun at ngayon ay nakakalaya na ang naturang hostage taker.
Yung galit ng mga Hogkongers ay may katuturan. Sapagka't ang layunin ng kababayan nila ay mag enjoy at maging masaya upang tunghayan ang mga natatanging lugar sa ating bansa, hatid nito ang pagpasok ng dolyar gaya bawa't sinumang turistang pumasok dito. Yung pala'y isang malagim na kikitil ng kanilang buhay. Ang pagkamatay nila ay ay isang kapabayaan at pagkukulang sa sektor ng gobyerno. Aminin man nila o hindi. Walang kasanayan. Kulang talaga. Ngayon lang sila ulit kikilos ngayong tayo'y sentro ng panghuhusga.
Okey tapos na yan at marami ng naisulat. Eto na naman ang isang kapalpakan? Ang maling paglalagay ng pangalan sa mga patay na naiuwi na pabalik sa Hongkong. Talaga namang uusok ang ilong ng sinumang makaranas niyan. Iyak ka ng iyak ehdi naman pala yun ang kanyang mahal sa buhay na nasawi? Wow mali di ba? Nakakahiya talaga. Yung katwiran sa pagkakamalingyun eh napakahirap sabihin sa mga Chinese na talagang diretsahan nagsasabi ng paghuhusga nila sa ating kapalpakan.
HERE'S MY TAKE...Nasaan ang pondong dapat nakalaan sa ating kapulisan? Paano makakapagsanay ang mga yan kung walang pondong itutustos sa kanila? Ang pangyayaring ito'y parang baptism of fire sa ating bagong pinuno. Sana'y maiba siya sa mga opisyal na pagpayaman lang ang inisip, hindi ang para sa ating bayan...at sa kapakanan ng nakakarami. Ngayon tilanapakalaki tuloy katanungan kung paano maisasalba ang relasyon ng Pilipinas at ng bansang China? Wala sa aming taong bayan yan...kundi sa mga pinuno ng ating bansa. Kami'y simpleng nasa likod lang ng bawa't opisyal na aming pinagaksayahan ng aming boto.Kaya tama sabi ni P-NOY, AKO ANG BOSS NINYO! Kaya dapat sila sila gumawa ng paraan paano manunumbalik ang payapang relasyon natin sa mga luhaang Chino.

Saturday, July 10, 2010
Batas sa kalsada...busisiing mabuti

Yey,wala ng wang wang...wala ng mala-VIP sa kalsada. Well kung isa kang commuter o driver ng sarili mong sasakyan, athabang masikip angtrapiko at may maririnig kang wang wang sa likuran mo eh maiinis ka rin db? Bakit tilasila napakaimportante at kailangan na paunahin natin sa kalsada. Pwera na lang sana kung emergency gaya ng ambulansya...okey lang sana. Kaya hats off ako sa unang salbo ni P-noy na tanggalin ang mga wang wang na yan. La namang silbi yan talaga sa kalsada eh...nakaka-distractlang talaga siya at pangyabang lang karaniwan sa kapwa. Kainis lang. Ultimo traysikel eh me wang wang...na tila ka pa nenerbyusin at kung ano na yun...kaya pabor ako dyan, na ipagbawal ag wang wang na yan! Maigi langsana kung presidente ang gagamit niyan okey pa.
Siguro dapat ding i-imlement ang malaking multa kapag nahuling driving without DL, o kaya DUIL [Driving Under the Influence of Liquor], o yung nakainom eh nagdadrive pa. At mas lalo kung naka-drugs. Naku yan ang tutukan...sanhi ng mga aksidente yan.
Sunday, April 11, 2010
Puro na naman pangako...
Ano bang meron sa pulitika at napakaraming gustong tumakbo? Simple lang, the power...and that means easy access sa negosyo, pera, and almost everything you could ever wish for. E di ba magkano lang ang income ng presidente? Sana naman eh meron pa ring naghahangad ng mabuting governance upang makatulong isulong ang magagandang batas para sa nakakarami, at unahing mapaunlad ang bansa, at maiahon ang mga kababayang lugmok sa hirap. At hindi yung pangsariling hangad lang ang hawak. Sa una lahat ipapangako, pero mas lamang ang mapako. Puro scam at lahat naman ng investigation eh still hanging. Yan ay dahil sa mga padre-padrino.
May the bests who deserve ...win!
May the bests who deserve ...win!
Subscribe to:
Posts (Atom)